Naglabas ng panuntunan ang Commission on Elections (Comelec) sa tamang proseso ng paghahain ng reklamo sa mga election offense kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Sa inilabas na guidelines ng Comelec, ang mga complaint ay maaaring ihain sa Comelec o Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng In-Person filing o via e-mail na naka-PDF format, sa official e-mail address ng Law Department.
Susuriin ng Law Department ang reklamo kung sapat ba ito para ideklarang election offense case, at susundan ng preliminary investigation.
Kung makitaan ng sapat na ebidensya, i-aakyat ito sa Commission En Banc at hahanapan ng probable cause para isampa sa korte.
Oras na aprubahan ang paghahain ng reklamo sa korte laban sa respondent, ihahanda ng Law Department ang mga dokumento para sa agarang pagsasampa sa kaso na hukuman.
Samantala, bibigyan naman ng pagkakataon ang inireklamo ng Motion for Reconsideration of the Resolution ng Commission en Banc sa loob ng limang araw five (5) days at kinakailangang itong magbayad ng ₱500 filing fee.