DOJ: Mga sangkot sa sex trafficking na kulto sa Surigao del Norte, mahaharap na sa patong-patong na kaso

Sasampahan ng mga kaso sa korte ang 10 miyembro ng kultong nasa likod ng sex trafficking sa Socorro, Surigao del Norte.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, kabilang sa mga kasong isasampa laban sa mga suspek ay kidnapping, serious illegal detention, sexual exploitation at qualified trafficking.

Hinihimok naman ng Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ng iba pang mga biktima ng naturang kulto na makipag-ugnayan na rin sa mga awtoridad.


Nakikipag-ugnayan na rin ang DOJ sa Korte Suprema kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa sex trafficking at online exploitation.

Facebook Comments