Pinatawan ng disbarment ng Korte Suprema ang isang prosecutor na nauna nang nasuspinde dahil sa pang-iinsulto at pagbibitaw ng hindi magandang salita sa mga mahistrado ng SC at Bar Confidant.
Sa 16-pahinang per curiam Decision ng korte, tinanggal na sa pagiging abogado si Atty. Perla D. Ramirez dahil sa paglabag sa Lawyer’s Oath at Code of Professional Responsibility (CPR).
Ayon sa korte, epektibo na ang pagtatanggal ng kanyang pangalan sa Roll of Attorneys.
Ang disbarment ni Ramirez ay nag-ugat sa reklamong inihain noong 2007 ng mga empleyado ng Lirio Apartments Condominium na tinitirahan niya sa Makati City dahil sa kaniyang masamang pag-uugali.
Dahil dito, nasuspinde si Ramirez sa pagsasanay ng batas sa loob ng anim na buwan.
Pinayuhan ng Bar Confidant si Ramirez na maghain ng kinakailangang mosyon at magsumite ng sinumpaang salaysay ngunit kinuwestiyon ni Ramirez ang awtoridad ng Bar Confidant at iginiit na hindi ito naaangkop sa kanya.
Sabi ng Korte Suprema, layunin ng disbarment na linisin ang hanay ng mga abogado sa mga miyembro nitong hindi karapat-dapat na ipagpatuloy ang kanilang propesyon.