18K NA MGA BATA SA LUNGSOD NG DAGUPAN, TARGET BAKUNAHAN NG CITY HEALTH OFFICE

DAGUPAN PANGASINAN – Ngayong araw ika-2 ng Mayo nakatakdang bakunahan ang libu-libong mga bata sa lungsod ng Dagupan para sa proteksyon ng mga ito sa mga sakit na rubella, measles o tigdas at polio.

Ang bakunahang ito ay sa ilalim ng programa ng Department of Health na Chikiting Ligtas program na naglalayong bigyan ng proteksyon ang nasa labing-walong libong (18, 000) mga bata sa lungsod na sa kanilang murang edad ay mailayo na ang mga ito sa posibleng sakit na kanilang makuha.

Ayon kay Dr. Julita De Venecia, ang CHO Medical Officer ng CHO mayroon umanong dalawampung (20) vaccination teams na itatalaga sa tatlumpung (31) barangay.

Samantala, nagpapaalala naman ang kinatawan ng Philippine Pediatric Society na si Dr. Maribel Pasaoa na huwag umanong matakot sa ituturok sa mga bata na bakuna dahil ligtas at subok na ang mga bakuna.

Kaya’t hinihikayat ng health authorities ang mga magulang na tangkilikin ang programang ito dahil para maagapan ang mga sakit na ito na maaaring dumapo sa kanilang mga anak. #ifmnews

Facebook Comments