Pakikilusin ng Malakanyang ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para magsagawa ng imbestigasyon sa pagpatay sa labor organizer na si Jude Thaddeus Fernandez ng Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, naninindigan ang kasalukuyang administration na nanatili ang patas at makatarungang lipunan at tinitiyak na iiral ang karapatan ng bawat isa at kapakanan ng publiko.
Kaya naman gagawa aniya sila ng konkretong hakbang para magamit ang lahat ng ahensya ng pamahalaan upang magkaroon ng mas malalim na imbestigasyon sa krimen.
Binigyang diin pa ni Bersamin na ang kalayaan ng publiko ay hindi dapat mapigilan ng anumang karahasan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang executive secretary sa naiwang pamilya ni Fernandez na aniya veteran defender ng karapatang ng mga manggagawa.
Nakikiramay rin si Bersamin sa labor groups.