Matagumpay na resupply mission sa Ayungin Shoal, dahil sa Navy at Coast Guard at hindi dahil sa naka-matyag na US aircraft – DND

Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na dahil sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard kaya naging matagumpay ang mga nakaraang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ang iginiit ni Defense Usec. Ignacio Madriaga sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security matapos na usisain ni Senator Robin Padilla ang US aircraft na lumilipad kasabay ng mga barko ng Navy at Coast Guard habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.

Paglilinaw ni Madriaga, ang presensya ng mga Amerikano ay suporta lamang para sa maritime domain awareness at para mayroong “eye in the sky” na nakatutok sa buong pangyayari.


Nilinaw naman ni Senator Francis Tolentino na ang P-8 Poseidon na US plane na nakaantabay sa ating mga barko sa pinakahuling resupply mission ay hindi tactical aircraft kundi ito ay kasing laki ng eroplano ng Philippine Airlines na ni-retrofit o inayos para magkaroon ng surveillance capability at magdala ng mga kargamento.

Facebook Comments