Nadagdagan pa ang mga nahuling lumabag sa election gun ban.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo, sa pinakahuling datos umabot na sa 1,063 ang mga indibidwal na naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa gunban sa bansa kaugnay nang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Sa naturang bilang, pinakamarami ang nahuling sibilyan na nasa sa 1,000.
Nilinaw naman ni Col. Fajardo, na ang mga ito ay hindi lamang naaresto sa ipinapatupad ngayong COMELEC checkpoint kundi sa iba pang police operations.
Samantala, nasa 654 firearms naman ang nakumpiska ng PNP.
Nasa 1, 288 naman ang nai-deposit sa mga police stations para sa safekeeping at 1, 156 na mga baril naman ang isinuko.
Facebook Comments