Nakatutok ngayon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa sitwasyon ng nasa 200 overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa Gaza Strip kung saan nagpakawala ng rockets ang Palestinian Islamist group na ‘Hamas’.
Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, nasa kabuuang 24,807 na Pinoy ang nasa Israel kung saan karamihan dito ay pawang mga caregiver.
Sa ngayon, wala pang Pilipinong humiling ng tulong o repatriation mula sa kanilang tanggapan at ibang concerned agencies.
Una nang inanunsyo ng Philippine Embassy sa Israel, na sarado muna ang kanilang tanggapan bunsod ng pag-atake ng grupo at inabisuhan ang mga OFW na malapit sa Gaza Strip na sundin ang safety guidelines na inilabas ng Home Front Command.
Facebook Comments