PBBM, sinuspinde ang mga klase at pasok sa government offices sa Metro Manila at Bulacan sa August 25, pagsisimula ng FIBA Basketball World Cup

Sinuspinde na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang pasok sa mga pampublikong paaralan at trabaho sa gobyerno, sa buong Metro Manila at probinsya ng Bulacan, sa August 25.

Ito ay para bigyang-daan ang pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa Memorandum Circular No. 27 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na bahagi ito ng pangako ng pamahalaan na makilahok sa sports promotion and development ng bansa.


Gayunpaman, nilinaw ni Pangulong Marcos na ang mga ahensyang may kinalaman sa paghahatid ng mga pangunahin at serbisyong pangkalusugan, tumutugon sa mga sa sakuna at kalamidad ay dapat magpatuloy sa kanilang mga operasyon at magbigay ng mga kinakailangang serbisyo.

Samantalang ang pagsususpinde naman ng trabaho para sa mga pribadong kompanya at mga klase sa mga pribadong paaralan ay nasa pagpapasya ng kani-kanilang mga pinuno.

Facebook Comments