Magiging host ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa 2026.
Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos sa intervention ng ASEAN Summit Plenary sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits na ginaganap sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay Pangulong Marcos, handa ang Pilipinas na maging punong-abala sa pagpupulong.
Pangako ng pangulo, palalakasin ang community building sa rehiyon.
Sinabi pa ng Pangulong Marcos, dapat palaging nasa puso at sentro ng ASEAN ang mga tao nito para sa community building.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos si Indonesian President Joko Widodo dahil sa mainit na pagtanggap sa delegasyon.
Umaasa si Pangulong Marcos na makakatrabahong muli ang mga kapwa ASEAN leaders sa susunod na pagpupulong sa 2024 kung saan ang Laos People’s Democratic Republic ang magsisilbing chairman.