Pinsala ng magnitude 7.4 na lindol sa imprastraktura sa Surigao del Sur, pumalo na sa mahigit ₱195-M

Lumobo pa sa ₱195.2 million ang iniwang pinsala ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur kamakailan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 640 imprastraktura ang nasira ng lindol.

Sa nasabing bilang, 221 ang mula sa Region 11 na nagkakahalaga ng ₱2.9 million at 419 na imprastraktura naman ang nasira sa CARAGA na may halagang ₱192.2 million.


Samantala, nasa 10,197 ang mga kabahayang nasira ng lindol sa Regions 10, 11 at CARAGA kung saan 4,913 ang partially damaged habang 5,284 ang totally damaged.

Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, 3 ang iniulat na nasawi habang 55 ang sugatan.

Umaabot naman sa 175,093 pamilya o katumbas ng halos 700,000 katao ang apektado kung saan nasa mahigit 8,000 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang mga evacuation centers.

Facebook Comments