SLP cash aid payouts para sa micro rice retailers, magpapatuloy kahit may umiiral na election ban

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy-tuloy ang gagawing cash payouts ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-cash assistance para sa micro rice retailers.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Commission on Elections (COMELEC) sa supplemental request ni DSWD Secretary Rex Gatchalian upang ma-exempt ang ahensya sa provisions ng Section 261 ng Omnibus Election Code na nagbabawal sa pagpapalabas at disbursement ng public funds sa gitna ng paghahanda sa isang halalan.

Dahil dito, maipagpapatuloy ng DSWD ang distribusyon ng P15,000 na cash assistance sa rice retailers mula September 15 hanggang October 31.


Maliban sa SLP-cash assistance project, exempted rin ang iba pang programa ng DSWD gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, Food Stamp Program (FSP), Tara, Basa! Tutoring Program, Oplan Pag-Abot, Project Lawa, Social Pension Program, Centenarian Program, at Supplemental Feeding Program.

Facebook Comments