19-anyos na Binata, Arestado sa Umano’y Bentahan ng Droga

Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang binata na construction worker na nagtago sa matagal na panahon at mahuli sa isang liblib na barangay kahapon sa Bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang naarestong si alyas ‘JM’, 19-anyos, Top 1 Povicial Wanted Person at Top 6 Municipal Level at residente ng Brgy. Andarayan North, Solana,Cagayan.

Nadakip ang binata ng pinagsanib na pwersa ng Intelligence Units ng Cagayan PPO at 204th Mobile Company, RMFB2 matapos ang kanilang inihain na warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Judge Lyliha L Abella-Aquino ng Branch 4 RTC Tuguegarao para sa kasong paglabag sa RA 9165.


Si alyas ‘JM’ ay inakusahan ng pagbebenta ng iligal na droga noong taong 2018 ng ito ay isa pang menor de edad at nagtago sa liblib na Brgy. Minanga sa Bayan ng Penablañca sa lalawigan sa loob ng dalawang taon.

Ikinostodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon laban dito.

Facebook Comments