19-anyos na criminology student, misteryosong nawala ayon sa kanyang mga magulang

Manila, Philippines – Pinaghahanap ngayon ang labing siyam na taong gulang na criminology student matapos na biglang mawala sa kanilang tahanan sa Maynila.
Nabatid na nitong August 18 ng gabi, nagpaalam ang estudyanteng si Ramir Roda Jr. na mas kilala bilang “Ram-Ram” sa kanyang ama na lalabas lamang daw ng bahay.
Sa tagal na makabalik sa kanilang bahay ay nag-aalala ang mga kaanak ni Ram-Ram dahil sinusubukan nilang tawagan ito ngunit patay ang cellphone niya at mismong Facebook account ng binata ay wala na rin.
Ayon naman sa kaibigan ng binata na si alyas Mark, nakipagkita aniya ito sa isang lalaking nagngangalang Jordan sa gasolinahan upang maki-birthday noong gabing iyon.
Ngayon ay patuloy pa ring misteryo ang pagkawala ng criminology student na ngayong ay patuloy ng hinanahanap ng mga pulis.

Facebook Comments