Arestado ang isang 19-anyos na magsasaka matapos mag-alok sa social media ng P200 milyong pabuya para sa sinumang paptay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinilala ang netizen na si Fernando Dandan Jr., na dinakip ng pulisya sa kaniyang bahay sa Sitio Dilain, Barangay Abar, San Jose, Nueva Ecija noong Martes.
Ayon kay Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City NE Police, isinumbong daw sa kanila ng mga concerned citizen ang umano’y mapanirang post.
Nakasaad din sa Facebook post na ibibigay niya ang pera kapag nadala mismo sa kanilang bahay ang ulo ng Presidente.
Bagamat binura ni Dandan ang naturang status, huli na ang lahat dahil marami na raw nakapag-screenshot nito.
Nahaharap ngayon ang lalaki sa kasong inciting to sedition at paglabag sa Republic Act No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.