19 Anyos na Magsasaka, Arestado dahil sa Kasong Frustrated Homicide!

*Gamu, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang isang 19 anyos na lalaki matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito bandang 12:00 ng tanghali sa brgy Upi, Gamu, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Kranzelmon Conay alyas “Bombay”, binata, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Conay sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Frustrated Homicide.


Dinala na sa PNP Gamu ang suspek para sa kaulung dokumentasyon at disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang pitumpu’t dalawang libong piso (72,000.00).

Facebook Comments