Cauayan City, Isabela- Labing siyam (19) na katao ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa probinsya ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, mula sa 19 new COVID-19 cases, anim (6) ang naitala sa Lungsod ng Ilagan; tatlo (3) sa Lungsod ng Santiago; dalawa (2) sa bayan ng San Mariano at Luna; at tig-isa (1) sa mga bayan ng Alicia, Aurora, Ramon, San Pablo, Tumauini at Cabagan.
Bukod dito, nakapagtala naman ng dalawampu’t lima (25) na bagong gumaling sa COVID-19 ang probinsya na kung saan umaabot na sa 3,454 ang kabuuang bilang ng recovered cases sa Isabela.
Nasa 451 naman ang total active cases ng COVID-19 sa probinsya mula sa 3,969 na total confirmed cases.
Umakyat naman sa 64 ang kabuuang bilang ng COVID-19 related death ang naitala ng Isabela.
Mula sa bilang ng natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela, isa (1) rito ay Returning Overseas Filipino (ROF); siyam (9) na Non-Authotorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t siyam (29) na Health workers; dalawampu’t apat (24) na pulis; at 388 na Local Transmission.