19 BARANGAYS SA CAUAYAN, BENEPISYARYO NG WATER SYSTEM PROJECT

CAUAYAN CITY- Nabiyayaan ng proyektong water system ng LPGMA ang labing siyam (19) na Barangay sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Sherwin Cortez, Punong Barangay ng Brgy. Gagabutan, isa ang kanilang barangay sa mapalad na napili upang mabenepisyuhan ng nasabing proyekto.

Aniya, prayoridad ng proyekto ang mga barangay na madalas makaranas ng pagbaha kung saan pahirapan ang pagkakaroon ng malinis na pagkukunan ng tubig.


Dagdag pa niya, sisimulan ang konstruksyon sa labing siyam na barangay sa susunod na Linggo at matatapos ito sa loob lamang ng limang buwan.

Samantala, naglaan ng mahigit tatlumpong milyong piso ang LPGMA para sa nasabing proyekto.

Facebook Comments