19 bayan sa Maguindanao at 17 barangay sa Cotabato City, lubog na sa tubig baha

Maguindanao – Umaabot na sa 45,744 libong pamilya o katumbas ng mahigit sa 200 libong indibidwal ang kasalukuyang apektado na ng pagbaha sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito’y kasunod ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa lalawigan at kalapit na mga probinsya na naging dahilan ng pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao sa nakalipas na mga araw.

Base sa record ng People’s medical team ng Office of the Provincial Governor ng Maguindanao, halos lahat ng mga apektadong pamilya ay mga house based dahil ‘di na sila umalis pa sa kanilang mga kabahayan o ang iba naman ay nakikitira na lamang sa kanilang mga kamag-anak.


Ang nasabing bilang ay mula sa 19 sa 36 na mga bayan ng probinsya na kinabibilangan ng:

1. Ampatuan- 1,942 apektadong pamilya
2. Datu Salibo – 1,567 apektadong pamilya
3. S.Saidona – 1,414 apektadong pamilya
4. N.kabuntalan -2,183 apektadong pamilya
5. Mangudadatu – 3,521 apektadong pamilya
6. Pandag -1,932 apektadong pamilya
7. Buluan – 1,201 apektadong pamilya
8. Rajah Buayan – 3,046 apektadong pamilya
9. Datu Abdulah Sangki – 2,195 apektadong pamilya
10. Kabuntalan -3,265 apektadong pamilya
11. SSB -2,295 apektadong pamilya
12. Datu Piang -3,831 apektadong pamilya
13. Datu Odin Sinsuat- – 2,015 apektadong pamilya
14. Datu Montawal – 2, 189 apektadong pamilya
15. Pagalungan- 3,342 apektadong pamilya
16. Mamasapano – 3, 982 apektadong pamilya
17. Sultan Kudarat- 5, 080 apektadong pamilya
18. Gen. Salipada K. Pendatun – 1,006 apektadong pamilya
19. Talitay – 2, 792 apektadong pamilya

Kanselado pa rin ang pasok sa mga apektadong bayan na karamihan ay nagmumula sa ikalawang distrito ng Maguindanao matapos na abutin maging ang kanilang mga silid paaralan.

Isang magsasaka mula sa bayan ng Upi at isang grade 1 pupil mula sa bayan ng Pagalungan ang nasawi makaraang malunod sa magkakahiwalay na lugar.

Isinailalim narin sa state of calamity ang buong bayan ng Mother Kabuntalan dahil maging ang kanilang town hall ay nalubog narin sa baha, maging ang bayan ng Sultan Kudarat ay under State of Calamity na rin.

Sa Cotabato City, aabot na sa 12, 620 na pamilya ang lubog narin sa tubig baha mula sa 17 apektadong mga brgys sa lungsod.

Ipinag-utos na rin ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guaini-Sayadi sa mga opisyal ng brgy na masusing imonitor ang pagtaas ng tubig baha at tiyakin ang kaligtasan ng mga apektadong reisdente ng lungsod.

Facebook Comments