19 COVID laboratories, hindi muna nag-ooperate para bigyang-daan ang disinfection

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 19 na COVID-19 laboratories ang non-operational ngayon at 4 naman non-reporting laboratories.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ilan sa naturang mga laboratoryo ay nagsasagawa ng disinfection habang iba ang nagsasagawa ng recalibration ng kanilang mga makina.

Inihayag ni Vergeire na ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay artificial pa rin ang bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Nanindigan ang DOH na sa mga susunod na araw pa makikita kung may epekto ang pinatutupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ.

Una nang hiniling ng DOH sa COVID laboratories na hanggat maaari ay huwag naman magsara ng 24 oras at sa halip ay kahit 12 oras lamang para hindi naman maapektuhan ang data ng COVID cases update.

Facebook Comments