Wednesday, February 18, 2026

19 distressed OFWs na mula sa Jeddah na matagal nang naghihintay ng repatriation, nakauwi na ng bansa

Nakauwi na ng bansa ang 19 pang distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sila ay kabilang sa OFWs na matagal nang naghihintay ng repatriation.

Pansamantala silang kinupkop sa shelters ng Philippine Consulate at ng Migrant Workers Office sa Jeddah habang naghihintay ng repatriation.

Sinalubong naman sila ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at binigyan ng kaukulang tulong para sa kanilang pagsisimula.

Facebook Comments