19 lugar sa bansa, binabantayan ng DOH dahil sa positive 2-week growth rate ng mga kaso ng COVID-19

Umakyat pa sa 19 na lugar sa bansa ang binabantayan ng Department of Health (DOH) matapos makitaan ng positive 2-week growth rate ng COVID-19 cases.

Kasama sa binabantayan ang mga sumusunod na lugar:

 Davao de Oro
 Ilocos Norte
 Apayao
 Oriental Mindoro
 La Union
 Zambales
 Davao Occidental
 Bukidnon
 Angeles City
 Davao City
 Cagayan de Oro City
 Butuan City
 Aklan
 Naga City
 Antique
 Sultan Kudarat
 Catanduanes
 Ilocos Sur
 Maguindanao


Gayunman, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kahit na tumaas ang growth rate ng mga nabanggit na lugar ay nananatili namang mababa ang ilang panukatan.

Kabilang na ang Average Daily Attack Rate (ADAR) at health care utilization rate.

Facebook Comments