Labing siyam na kabahayan ang natupok ng apoy dahil sa umano’y pinaglaruang posporo ng mga bata sa Brgy. Poblacion, Urdaneta City.
Sa ulat ng pulisya, Napag-alamang naglalaro umano ng posporo ang tatlong bata sa lugar na pinaniniwalaang siyang pinagmulan ng apoy.
Kumalat ang apoy sa mga kabahayan na gawa sa light materials. Umabot sa mahigit anim na raang libong piso halaga ng pinsala. Wala namang naitalang nasugatan sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments