19 na indibidwal na biktima ng human trafficking, nasagip ng PCG

Nailigtas ang labing siyam na indibidwal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Central Tawi-Tawi na biktima ng human trafficking.

Ayon sa PCG, nasagip ang mga biktima nang matunton ang kanilang kinaroroonan sa port of Bongao, Tawi-Tawi.

Inalerto rin ng PCG ang Maritime Police at Maritime Inter-Agency Council Against Trafficking tungkol sa pagsagip sa mga biktima mula sa barkong MV Ever Queen of Asia, na naka-angkla sa bayan ng Bongao.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, na-recruit ang mga biktima sa Zamboanga Peninsula.

Sa ngayon, na-i-turnover na sa Ministry of Social Service and Development sa Bongao ang mga biktima para sa psychological counseling at assistance.

Sisiguraduhin naman ng ministry na makakauwi sa kanilang lugar ang mga biktima.

Facebook Comments