Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection ng 19 na insidente ng sunog dahil sa paputok ngayong taon.
Sa isang panayam, sinabi ni BFP Spokesperson Fire Supt. Annalee Carbajal-Atienza na mas mataas ang bilang na ito kumpara noong nakaraang taon na nasa pito lamang.
Pero aniya, mas mababa pa rin ang kabuuang fire incidents mula January 1 hanggang December 26 na nasa 13,029 kumpara sa 13,574 na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Sa ngayon, 191 munisipalidad pa ang nangangailangan ng mga truck ng bumbero.
Hinikayat naman ni Atienza ang bawat pamilya na magsanay ng “Emergency Drill in the Home” o EDITH.
Facebook Comments