19 na kandidato, naghain ng withdrawal sa Comelec para sa national position kahapon

Aabot sa 19 na kandidato ang naghain ng withdrawal para sa national position kahapon.

Huling araw ito ng paghahain ng substitution ng mga partido at indibidwal na magpapalit ng kandidatura para sa eleksiyon 2022.

Hindi naman lahat ng mga naghain ay nagkaroon ng substitutes.


Kabilang sa listahan ay sina Presidential Spokesman Secretary Harry Roque at dating Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkasenador.

Napasama rin sa tatakbong senador si Pangulong Rodrigo Duterte na naghain ng COC sa pamamagitan ng isang abogado.

Taliwas ito sa naunang ulat na tatakbong Vice President ang pangulo na kakalabanin ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na una nang inihayag ang pagtakbo sa nasabing pwesto.

Umatras naman si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa paghahain ng kandidatura sa pagkasenador dahil aniya, uunahin muna nito ang pagtulong sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Facebook Comments