Labing syam ng bayan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang binigyan ng pagkilala ng Department of Interior and Local Government bilang awardees ng Seal of Good Local Governance o Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal ngayong taon.
Kinabibilangan ito ng mga bayan mula sa mga lalawigan ng Maguindanao kabilang ang Buldon Barira Datu Abdullah Sangki, Datu Paglas, General Salipada K. Pendatun, Kabuntalan, Matanog, Parang, Rajah Buayan, Sultan Mastura, Sultan Kudarat at Upi, habang nakasungkit rin ng SGLG ang Maluso at Sumisip ng Basilan, Calanogas, Piagapo, Kapatagan ng Lanao Del Sur, at Jolo at Talipao ng Sulu.
Matatandaang noong 2015 ay wala man lamang nakapasok mula sa ARMM habang tanging aanim lamang noong 2016. Kaugnay nito agad na pinuri ni DILG ARMM Secretary Atty . Kirby Abdullah ang mga LGUs na binigyan ng pagkilala at nagpapasalamat sa pagtugon sa Repormang isinusulong ng Hatamans Administration.
Maliban sa national recognitation, SGLG marker makakatanggap din ng cash ang mga LGUs na pinarangalan dahil na rin mga inisyatibang para sa kani kanilang financial administration, disaster preparedness, social protection, at peace and order.
Samantala sa North Cotabato , nakasungkit rin ng SGLG ang mga bayan ng Kabacan, Mlang at Pigcawayan, habang nagbubunyi rin ang mga syudad ng Tacurong, Kidapwan at Cotabato City dahil sa parangal ng DILG.