Mula sa 188 na bilang ng mga lugar sa bansa na isinailalim sa areas of concern na nasa yellow category, 19 na lugar ang tinukoy sa nasabing kategorya sa Region 1 para sa darating na Midterm Elections ngayong taon.
Sa inilabas na listahan ng Commission on Elections (COMELEC), dalawang lungsod at anim na bayan rito ang mula sa Pangasinan na kinabibilangan ng Aguilar, Binmaley, Malasiqui, Mangaldan, Sual, San Quintin, Urdaneta City at Dagupan City. Sa La Union, kabilang ang bayan ng Agoo, Caba at Pugo.
Pitong lugar naman ang masama sa Ilocos Norte- Currimao , Badoc, Laoag City, Pagudpud, Paoay, Pasuquin at Solsona at sa Ilocos Sur kasama ang bayan ng San Vicente.
Sa ilalim ng yellow category,ibig sabihin ay mayroong mga maiulst na suspected election-related incidents sa nakalipas na dalawang halalan na walang partisipasyon ng domestic terror groups.
Maliban dito, ang mga lugar ay dati na ring idineklara na nasa COMELEC control at posibleng ay presensya ng armadong grupo o pagkakaroon ng political rivalries.
Matatandaan na bago pa man ilabas ang listahan ng mga nasa areas of concern ay una nang pinagana ang Regional Action Monitoring Center o REMAC na magsisilbing command post sa monitoring at consolidation ng mga election related information sa buong rehiyon para sa Ligtas na halalan.
Samantala, maaari pang madagdagan pa ang nasabing bilang sa pagsisimula ng campaign period. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments