Nasa 19 na Malasakit Help Desks na ang itinatag sa iba’t-ibang mga ospital sa Metro Manila para maserbisyuhan ang publiko sa gitna ng paglaban ng bansa sa COVID-19.
Sa pamamagitan ng mga MHDs, maasistehan na ang mga may pangangailangang pang-transportasyon at sa mga may katanungan hinggil sa free ride.
Sa ngayon ay napapakinabangan na ito ng mga health workers na kinakailangang makarating sa kani-kanilang sinerbisyuhang ospital.
Ang mga MHDs at pinamamahalaan ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO) at ng Philippine National Police (PNP).
Narito ang listahan ng mga ospital kung saan makikita ang mga MHD na maaaring lapitan ng publiko:
– Philippine General Hospital
– San Lazaro Hospital
– UST Hospital
– Ospital ng Maynila
– Manila Doctors Hospital
– Quezon City General Hospital
– East Avenue Medical Center
– Philippine Heart Center
– National Kidney and Transplant Institute
– Lung Center of the Philippines
– Quirino Medical Center
– Chinese General Hospital
– FEU Hospital
– Our Lady of Fatima Hospital
– MCU Hospital
– Makati Medical Hospital
– San Juan de Dios Medical Education Center
– Amang Rodriguez Memorial Medical Center
– Rizal Medical Center