19 na Pilipinong seafarers, dinakip sa Mexico dahil sa illegal drugs

Hinarang ang nasa 19 na Pilipino at tatlong Polish seafarers sa Mexico dahil sa ilegal na droga.

Sa impormasyong natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng Pilipinas sa Mexico, 22 seafarers ng isang Cypriot-flagged vessel ang hinuli dahil sa paglabag sa drug law ng Mexico.

Nakadaong ang barko sa Altamira Port noong July 27.


Nasa maayos naman na kalagayan an mga Pilipino at inabisuhan na rin ang mga pamilya nito.

Nakikipag-ugnayan na ang embahada sa Mexican authorities at sa law firm na kumakatawan sa mga seafarers.

Facebook Comments