Patay ang 19 na pasahero habang sugatan ang 21 pa matapos na mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang trak sa Conner Apayao kahapon.
Ayon kay PNP Cordillera Administrative Region Spokesperson Major Carolina Lacuata alas 5:00 ng hapon kahapon ng mangyari ang aksidente sa may Sitio Gassud Barangay Karikitan Conner Apayao.
Sakay ng trak ang 43 katao nang mahulog sa bangin dahil sa mechanical failure.
Dead in the spot ang 19 na kinialalang sina Margie Agustin Pamittan, Amparo Ole Aberion, Brenda Datul Talay, Imelda Ole Talay, Pacita Dajucon, Mercy Pataras Gundan, Leticia Bayaua Patay, Susana Ballesteros Milo, Rosemarie Bayaua Molina, Hermilina Dacuycuy, Ludalina Talay Molina at Aida Batallones.
Dead on the spot rin sina Domingo Gundan Asperela, Mamerto Pigaten Milo, Conrado Molina Sabatan, Clari Culili Mamauag, Jason Verdaderi Talay, Rudy Velasco Pagtama at Reymundo Battad Sosa.
Ang 21 sugatan ay patuloy na ginagamot, nakuha na rin ng kanilang mga pamilya ang bangkay ng 19 na nasawi sa malagim na aksidente.