
Umalma si Senator Ping Lacson sa aniya’y hindi patas na pagpapataw ng buwis sa bansa sa pagitan ng napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos matapos ang 3-day official visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa US.
Sa ilalim ng PH-US Trade Agreement, nagkasundo sina Pangulong Marcos at US President Donald Trump na patawan ng 19 percent tariff ang mga produktong manggagaling sa Pilipinas habang zero tariff naman ang ilang mga produktong magmumula sa Estados Unidos.
Giit ni Lacson, napakalaking insulto nito para sa bansa.
Sa ilang dekada aniyang magkaibigan at magkaalyado ng Pilipinas at US, ang 19% laban sa 0% tariff ay kailanman man hindi maituturing na patas na kasunduan.
Dahil sa tratong ito ng US, binigyang-diin ni Lacson na panahon na para humanap ang Pilipinas ng ibang trade partners.
Samantala, tanong naman ni Senator Imee Marcos sa kanyang kapatid na si PBBM, paanong masasabing nanalo ang Pilipinas gayong malaking taripa ang ipapataw sa mga produktong galing sa bansa habang wala namang buwis para sa mga produktong galing Amerika.









