
Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan na may 19 na OFWs nang na-rescue kaugnay ng mga nasusunog na gusali sa residential complex sa Tai Po , New Territories, Hong Kong.
Ayon kay Caunan, karamihan sa Pinoy workers na biktima ng sunog ay nasunugan ng passport at employment contract.
Kinumpirma rin ni Caunan na kabilang din sa kanilang na-rescue ang Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa video footage na unang nagpasaklolo kasama ang kanyang alagang sanggol at babaeng employer.
Sa naturang sunog, mahigit 40 ang nasawi at halos 300 ang missing.
Facebook Comments









