
Sampung siyam na Pilipino, kabilang ang dalawang bata, ang sinamahan ng Philippine Embassy at ng DMW-OWWA Team upang makatawid sa Taba Border Crossing palabas ng Israel.
Pagdating nila sa Taba, Egypt, sinalubong sila ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Cairo at ng OWWA Rapid Response Team.
Mula sa Cairo, sumakay ang mga Pilipino sa isang flight na dadaan sa Doha.
Ang naturang repatriates ay inaasahang darating sa Pilipinas bukas, April 1.
Sa kabuuan, 167 Pilipinong caregivers, hotel workers, menor de edad, turista, pilgrims, at mga estudyante ang nakalabas na ng Israel.
Facebook Comments










