19 Pinoy na lumikas mula Ukraine, dumating na sa bansa – DFA

Dumating na sa Pilipinas ang 19 pang Filipino seafarers na nailikas mula Ukraine.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Foreign Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na Miyerkules ng gabi nang dumating sa bansa ang mga tripulante ng Chariana L.

Dahil dito, umabot na sa 329 na mga Pilipino mula Ukraine ang napauwi na sa Pilipinas.


Ayon pa kay Arriola, mayroong pang 41 na mga Pilipino ang nailikas.

Hanggang kahapon, 370 Pilipino na sa Ukraine ang natulungan ng DFA.

Facebook Comments