19 police officers na sangkot sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., napawalang-sala na!

Napawalang-sala na ang 19 police officers na sangkot sa pagkamatay ni Albuera town Mayor Rolando Espinosa Sr. at kasama nitong bilanggo.

Ayon kay Atty. Roland Inting na kinatawan ng mga isinasangkot, inilabas ang desisyon kahapon via video conferencing sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 104.

Lumabas kasi sa imbestigasyon na hindi napatunayan ng mga witness na sangkot ang 19 sa pagkamatay ni Espinosa at inmate na si Raul Yap sa loob ng Baybay Sub-Provincial Jail noong November 2016.


Matatandaang noong March 31, 2017, unang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang bigyan ng pardon ang 19 na police officers kung mapapatunayang guilty.

Facebook Comments