19 sa 49 na mga sundalong nasawi sa C-130 aircraft crash sa Sulu, nakilala na

Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakakilanlan ng 19 sa 49 na sundalong namatay sa C-130 military plane crash sa Patikul, Sulu kamakailan.

Ang labing syam na ito ay sina: Major Emmanuel Makalintal, Major Michael Vincent Benolerao, First Lieutenant Joseph Hintay, Technical Sergeant Mark Anthony Agana, Technical Sergeant Donald Badoy, Staff Sergeant Jan Neil Macapaz, Staff Sergeant Michael Bulalaque, at Sergeant Jack Navarro sila ay mga miyembro ng Philippine Air Force.

Kabilang rin sa 19 si Captain Higello Emeterio mula sa AFP Medical Corps at First Lieutenant Sheena Alexandria Tato mula sa AFP Nurse Corps.


Habang kasama rin sa 19 na nakilala na ay sina Sergeant Butch Maestro, Private First Class Christopher Rollon, Private First Class Felixzalday Provido, Privates Raymar Carmona, Vic Monera, Mark Nash Lumanta, Jomar Gabas, Marcelino Alquisar, at Mel Mark Angana, sila ay mga miyembro ng Philippine Army.

11 sa kanila ay naiuwi na sa kanilang mga pamilya habang ang pito pa ay inihahanda nang ihatid sa kanilang mga pamilya gamit ang C295 aircraft.

Sa ngayon ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, patuloy na tinutukoy ang pagkakakilanlan ng 30 pang mga nasawing sundalo dahil sunog ang katawan ng mga ito, kaya dumadaan pa sa ilang proseso.

Facebook Comments