Nasa labing siyam na mga barangay secretaries ang tinawag ng PNP sa pangunguna ni PLT Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station para impormahan ang mga ito sa kanilang mga dapat gawin bilang mga barangay na walang naitalang kaso ng ilegal na droga.
Kailangan kasi nilang magpasa muli ng folder sa pulisya para makita at matiyak kung napapanatili nila ang kanilang pagiging drug free barangay.
Ito ay para masuri rin kung tinutugunan pa ng mga BADAC members ang kanilang mga tungkulin sa kani-kanilang nasasakupan ganun din sa mga kabataan.
Samantala, kasabay ng ginawang pulong ay nag-lecture din ang PNP sa mga barangay secretaries kaugnay sa Republic Act 9262 o ang Anti Violence Against Women and their Children at RA 11313 o ang “Bawal Bastos Law”.
Namigay ng munting regalo ang PNP Cauayan sa mga dumalo bilang bahagi ng selebrasyon sa buwan ng Kababaihan.