19 sugatan habang dalawa, nawawala sa nangyaring pagsabog sa Russia

Labing siyam ang sugatan habang dalawa naman ang nawawala sa nangyaring pagsabog at pagkasunog sa isang malaking planta sa Russia kahapon.

 

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lima ang nagtatrabaho nang mangyari ang pagsabog sa Kristall Factory sa silangan ng Moscow, Russia.

 

Ayon sa health ministry, ginagamot na sa ospital ang mga biktima na nagtamo ng shrapnel wound dahil sa pagsabog.


 

 

 

 

Facebook Comments