
Dumistansya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sagutin kung makatarungan ba ang ipinataw na 19% tariff rate at kapaki-pakinabang sa mga Pilipino.
Ayon sa Pangulo, hindi niya desisyon ang ipataw na 19% taripa ng Amerika sa export products ng Pilipinas.
Kung may tanong aniya hinggil sa makatarungan ba ang ipinataw na taripa, hindi aniya siya ang dapat tanungin kundi ang nagpataw nito.
Ang pahayag ay kasunod ng anunsyo ni US President Donald Trump na magpapatuloy ang kalakalan sa ilalim ng open market framework, ngunit may kalakip na 19% tariff rate, mas mababa ng isang porsyento sa dating 20%.
Hindi naman itinulak ni Pangulong Marcos Jr. sa pulong ang mungkahi ni Sen. Imee Marcos na maibaba sa 10% ang taripa.
Hindi aniya ito napag-usapan sa pulong nila ni Trump, pero kung mayroon man aniyang kayang magbaba nito sa 10% ay bukas ang Pangulo rito.









