Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 19 na volcanic earthquakes sa 24-hour observation nito sa Bulkang Taal sa Batangas.
Base sa taya ng Phivolcs nitong June 20, ang water temperature sa silangang bahagi ng main crater lake ng taal ay tumaas mula sa 33.4°C at naging 34°C.
Tumaas din ang acidity nito mula ph 2.91 sa ph 2.83.
Nananatiling nasa alert level 1 ang status ng Taal bunsod ng abnormal na kondisyon nito mula noong March 28.
Nilinaw naman ng Phivolcs na nasa ilalim ng alert level 1 ay wala pang mangyayaring mapaminsalang pagsabog.
Pinayuhan ang publiko na iwasan munang pumunta sa main crater dahil sa mga biglaang steam explosions at mataas na concentration ng toxic volcanic gases.
Ang hilagang bahagi ng main crater rim, malapit sa Daang Kastila trail ay mapanganib kapag nagkaroon ng fumarolic o degassing activity.