190 LOOSE FIREARMS, NAKUMPISKA SA REGION 1 NOONG DISYEMBRE 2025

Umabot sa 190 nakompiskang loose firearms ang naitala ng Police Regional Office 1 (PRO1) noong December 2025 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng mga baril sa rehiyon.

Sa kabuuang bilang ng mga baril na naitala, 17 ang nakumpiska, 8 ang nabawi, 146 ang boluntaryong isinuko, at 19 ang idineposito sa mga himpilan ng pulisya mula sa 19 operasyon na ikina-aresto ng 18 indibidwal.

Ayon tanggapan, patunay ang mga operasyon sa matibay na paninindigan ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Hinimok din ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng boluntaryong pagsuko ng mga hindi lisensyadong baril upang masugpo ang kriminalidad sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments