Higit 19,000 slots ang alok ng Department of Science and Tehnology (DOST) sa ilalim ng kanilang Coursera for Wokrforce Recovery Learning Progam.
Ang Coursera ay isa sa malawakang Open Online Courses platforms sa mundo kung saan maaaring mag-enroll sa mga courses mula sa mga nangungunang unibersidad abroad tulad ng Standford University, University of Michigan, Implerial College of London at iba pa.
Sa ilalim ng Coursera, ang mga estudyante ay binibigyan ng full access sa higit 3,800 courses sa iba’t ibang larangan.
Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, mula sa 75,000 slots na inilaan para sa Coursera, nasa 55,942 na estudyante ang naka-enroll sa 736,569 courses.
Sa ngayon, nasa 35,629 courses na ang natapos na mayroong 419,725 hours.
Ang National Capital Region (NCR), Region 4-A at Caraga ang nangungunang rehiyon na may pinaka maraming grantees.
Mula sa mga nag-enroll, 54.2% o 29,073 enrollees ang employed, 20.9% ay estudyante at 17.5% ay unemployed.
Lumabas din sa datos na 54.4% ng 19,262 learners ay kabilang sa isang private organization, 31.8% ay mula sa pamahalaan at 11.5% ay self-employed.
Ang number 1 sa course completion ay COVID-19 Contact Tracing, habang ang nangungunang tatlong course enrollments ay Excel Skills for Business, Write Professional Emails at Programming.
Ang lahat ng Pilipino, 18-anyos pataas ay maaaring mag-avail ng scholarship grant.
Ang course enrollment ay magtatagal lamang hanggang October 31, 2020, habang ang mga enrollees ay maaaring tapusin ang kanilang projects, courses at specialization kung saan sila naka-enroll hanggagn December 31, 2020.