Thursday, January 22, 2026

191 NA INDIBIDWAL SA REHIYON UNO, NAKATAKDANG SUMAILALIM SA CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANTS’ LICENSURE EXAMINATION NGAYONG MAYO

Nasa 191 examinees sa rehiyon uno ang sasailalim sa isasagawang Certified Public Accountants Licensure Examination ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office ngayong Mayo.
Nakatakda ang pagsasagawa ng naturang eksaminasyon sa May 25, 26, & 27, 2025, sa Casanicolasan Elementary School, Brgy. Casanicolasan, Rosales, Pangasinan.
Nagbigay paalala ang PRC RO1 sa mga sasailalim sa eksaminasyon na dalhin ang mga kanilang Notice of Admission at iba pang kailangan tulad ng lapis (No. 2), ballpen na itim ang tinta, isang piraso ng metered-stamped window mailing envelope, isang piraso ng long brown envelope, isang piraso ng long transparent plastic envelope, non-programmable calculators, packed lunch at tubig.
Mainam rin na basahin ng mabuti ang special instruction at advisory sa kanilang Notice of Admission at bumisit sa kanilang website upang tiyakin ang schedule isang linggo bago ang nakatakdang eksaminasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments