Marawi City, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na krisis sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla – sa ika-17 araw ng bakbakan, pumalo na sa 193 ang patay.
Sa panig ng Maute Group, nasa 134 na ang kabuuang bilang ng nasawi habang 39 sa tropa ng gobyerno at 20 sa mga sibilyan.
Sinabi pa ni Padilla –umabot na sa 115 na armas ang narekober ng militar mula sa teroristang grupo at pumalo na sa higit 1,500 sibilyan ang nailigtas
Hiniling ni Padilla sa lahat ng sibilyan ang tulong para mapagtagumpayan ang laban sa terorismo.
Tiniyak naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – na ginagawa ng communications group na maipaabot ang tamang impormasyon sa publiko tungkol sa mga nangyayari sa Marawi.
Sa ngayon, patuloy ang clearing operations sa ilang bayan ng lungsod.
DZXL558