Bureau of Animal Industry o BAI, tiniyak ang mahigpit na inspection at monitoring sa shipment ng mga hayop sa National Capital Region o NCR.
Patuloy ang mahigpit na inspeksyon ng BAI katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Local Government Units sa shipment ng mga hayop sa NCR.
Bahagi ito ng patuloy na kampanya para protektahan ang kalusugan ng hayop at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit tulad ng African Swine Fever (ASF).
Hanggang ngayong araw, may kabuuang 1,963 shipment ng live animals at meat products ang sumailalim sa inspeksyon sa iba’t ibang checkpoints sa buong NCR.
Sa kabuuang bilang, 113 shipments ang pinabalik sa pinanggalingan dahil sa hindi pagsunod sa animal health regulations, habang 13 ang isinailalim sa testing.
May 10 shipment ang condemned dahil sa serious health concerns habang 1,827 pa ang na-clear at ni-release.
Hinihimok ng DA ang hog traders at transporters na sumunod sa mga regulasyon upang maiwasan ang pagkalat ng ASF at iba pang mga sakit sa hayop.