CAUAYAN CITY – May bagyo man ay patuloy pa rin ang pamamahagi ng buwanang bigas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Sa nasabing aktibidad, 198 tobacco farmers mula sa bayan ng Gamu, Isabela ang naging benepisyaryo.
Layunin nitong masiguro na may sapat na suplay ng bigas na kakainin ang bawat mamamayan at upang mabawasan ang problema ng kagutuman sa buong lalawigan ng Isabela.
Ang naturang programa ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno nina Governor Rodito Albano at Vice Governor Bojie Dy III.
Facebook Comments