Umabot na sa 198,000 indibidwal sa buong bansa ang lumikas matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Batay sa inisyal na datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine National Police (PNP), kinabibilangan ito ng 50,219 pamilya magmula sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.
Isa naman ang nasawi dahil sa bagyo na nagmula sa Northern Mindanao.
Habang umabot na sa 16 ang na-rescue ng mga otoridad sa Eastern Visayas at 23 sa Northern Mindanao.
Sa ngayon, paliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, nakadepende na sa mga LGUs kung magpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing produkto bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.