Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa 19, 876 na mga barangay ang drug-cleared na simula ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa PDEA infographic, ang naturang datos ay mula sa 42,042 barangay sa buong bansa.
Ang mga nasabing barangay na drug-cleared na ay naunang inisyuhan ng sertipiko ng Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program.
Sa ngayon, patuloy ang mga operasyon laban sa iligal droga sa 14,491 na mga barangay.
Facebook Comments