199 NEW COVID-19 CASES, NAITALA SA ISABELA

9

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Sa datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Abril 8, 2021, umaabot na sa 1,575 ang bilang ng aktibong kaso matapos madagdagan ng 199 na bagong positibong kaso.


Mayroon namang 46 na bagong gumaling sa sakit na nagdadala sa kabuuang bilang na 6,836.

Sa kasalukuyan, pumapalo na sa 8,592 ang kabuuang bilang kumpirmadong kaso sa probinsya na kung saan 181 rito ang namatay.

Facebook Comments